"Turo-Turo" Sapalarang Kultura ng Pagkain sa Pilipinas

Sa mga mataong lansangan sa Pilipinas, hindi maiiwasang matawag ang pansin sa kakaibang kultura ng pagkain ng mga ordinaryong Pilipino

Jun 10, 2023 - 09:24
Jan 2, 2024 - 18:29
"Turo-Turo" Sapalarang Kultura ng Pagkain sa Pilipinas

Ang kakaibang mundo ng mga kainan ng masang Pilipino.

 

※ Read this article in English.

Sa mga mataong kalsada sa On the busy streets in the Pilipinas, hindi maiiwasang matawag ang pansin sa kakaibang kultura ng pagkain ng mga ordinaryong Pilipino, kung saan ang pagtuturo ang pinakamahalagang anyo ng komunikasyon sa pakikipagsapalaran sa kainan. Ang turo-turo.

Ang isang turo-turo ay maihahalintulad sa pagsakay sa jeepney, mura at abot-kaya. At siyempere, imbes na pasahero ay pagkaing Pinoy ang nakahilera na tiyak na magbibigay kabusugan o sakit ng tiyan depende sa kapalaran. May malawak na hanay ng mga ulam na walang label at walang presyong nakalagay kaya maaaring ikalito ng mga hindi sanay. Huwag ding umasa sa menu na sa simula pa lang ay hindi makikita, bagkus ang lahat ay ibinabase sa pakiramdaman.

 Find Filipino Clothing on Amazon

Bagama't ang pagtuturo ay isang simpleng gawain, kailangan itong gawin nang may husay at katiyakan upang hindi sumimangot ang tindero sa tindahan. Sa mga turo-turo ang pagpila ay hindi uso, kaya kailangang maging dalubhasa sa sining ng mabilis at walang patumpik-tumpik na pagturo sa iyong nais na pagkain. Ngunit dapat ding maging maingat sapagkat sa kaunting pagkakamali sa pagturo ay maaaring magresulta sa hindi inaasahang ulam, tulad ng pagkasilbi ng isang ubod na anghang na bicol express na katabi ng itinurong adobong manok.

 

airalo-image

Airalo is the world’s first eSIM store that solves the pain of high roaming bills by giving travelers access to digital SIM cards.

 

Ang isa sa mga pinaka-nakakaaliw o para sa iba ay nakakabaliw na bahagi ng turo-turo ay ang hamon ng misteryosong ulam. Dahil nga sa walang nakalagay na label sa mga ulam, asa na lang sa pakiramdam at talas ng mga mata. Yun nga lang, paano kung gutom na gutom na at malabo ang mga mata? Eh di turo lang at bahala na, talagang kakaiba, hindi ba?

 Find Filipino Clothing on Amazon

Kapag nasanay na sa teknik ng pagtuturo, dapat ding maging handa sa nakaaaliw na serbisyo sa mga turo-turo. Pagkatapos na maituro ang nais na ulam at maiabot ang bayad, ang masipag na tindero ay magsasandok na ng inorder na ulam sa isang plato gamit mismo ang kamay na ginamit sa kung anu-anong bagay. Kaya kung minsan ang lasa ng ulam ay medyo kakaiba, medyo lang naman. Take-out ba kamo? Ipapasok ng tindero ang mangkok sa isang plastik at pagkatapos ay sasandukin at ilalagay ang inorder na ulam. At kapag meron ng isang hiwang karne na may kasamang isang hiwa ng gulay o isang dahong berde sa nakakalunod na sabaw ay ibubuhol na ang plastik. Ang lahat ay nakasalalay sa tindero na master sa tantyayan..

 Find Filipino Clothing on Amazon

Ang turo-turo ay isang bukod-tanging kultura ng pagkain sa Pilipinas. Bagama't tila magulo at nakakalito ang kulturang ito, ang lahat ay bahagi ng pakikipagsapalaran. Ang teknik ng pagtuturo, ang mga misteryosong ulam, at ang tinderong master ng tantyahan ay bumubuo sa isang karanasan sa pagkain na sadyang kakaiba. Kaya't tanggapin ang pagkakataon, pagbutihin ang kasanayan sa pagturo, at hayaan ang kultura ng turo-turo na maging daan sa isang paglalakbay na may kinalaman sa pagkain na hindi malilimutan. Ingat lang, dahil baka sumakit ang tiyan.

 

300*250

 

Find Cheap Flight Tickets to any Destinations in Japan and the Philippines

 

 


Nipino.com is committed to providing you with accurate and genuine content. Let us know your opinion by clicking HERE.

led_allaci Led Allaci is a full stack web developer who used to work for different companies to build and promote their brands online. Currently, he works as a freelancer working on different projects, including but not limited to the maintenance of this site. He likes traveling, writing, meeting new friends, and drinking Chūhai (チューハイ). Check out his work on your browser @ www.derusan.com