Spring sa Japan 2023

Ang spring ay ang panahong pinakagusto sa Japan. Hindi lang dahil sa maganda ang panahon at namumukadkad ang mga bulaklak, kundi dahil maraming mga kawili-wiling aktibidad na maaaring ma-enjoy

Apr 1, 2023 - 10:16
Jan 2, 2024 - 18:39
Spring sa Japan 2023

Ang panahon upang maging masigla pagkatapos ng winter.

 

※ Read this article in English.

※ この記事を日本語で読む。

Ang spring ang pinakagustong panahon sa Japan. Hindi lang dahil sa maganda ang panahon at namumukadkad ang mga bulaklak, kundi dahil maraming sa mga kawili-wiling aktibidad na maaaring ma-enjoy. Ito ay panahon ng piyesta, piknik, at mga outdoor na aktibidad.

 Find Japanese Food Products on Amazon

Spring in Japan 2023Isang pamilya na nagpi-piknik sa ilalim ng puno ng cherry blossom

Isa sa pinakasikat na aktibidad sa Japan tuwing spring ay ang hanami, o cherry blossom viewing. Ang mga tao ay nag-e-enjoy sa pagkuha ng larawan kasama ang magagandang bulaklak at nagpi-piknik sa ilalim ng mga puno ng cherry. Ang hanami ay isang paraan para magsama-sama ang mga pamilya, kaibigan, at kasamahan sa pagdiriwang ng pagdating ng spring.

Find Japanese Food Products on Amazon

Spring in Japan 2023Tanabata tradisyonal na papel na parol

Maraming bagay ang ma-e-enjoy tuwing spring, kabilang ang mga sumusunod:

  • I-enjoy ang cherry blossoms (hanami). Ang cherry blossom viewing ay isang sikat na taunang tradisyon sa Japan. Maraming lugar para makita ang mga namumulaklak na magagandang puno ng cherry blossom sa buong bansa.

  • Mag hiking. Ang mga bundok ay natatakpan ng luntiang mga dahon sa panahon ng spring, isang napakagandang panahon upang mag-hiking.

  • Bumisita sa mga templo at dambana. Maraming mga templo at dambana sa Japan ang pinalalamutian ng mga bulaklak sa panahon ng spring, na lalong nagpapaganda sa mga ito.

  • Lumahok sa mga piyesta. Maraming iba't ibang mga pagdiriwang na ginaganap sa buong Japan sa panahon ng spring. Ang Hinamatsuri (Doll Festival), Sakura Matsuri (Cherry Blossom Festival), at Tanabata Festival ang ilan sa mga sikat na piyesta tuwing spring.

  • Mag-relax sa hot spring (onsen). Ang mga hot spring ay isang tanyag na paraan upang makapagpahinga sa Japan. Maraming onsen resorts na matatagpuan sa buong bansa para magpa-refresh at magpasigla.

  • Pasyalan ang kanayunan. Ang kanayunan sa Japan ay maganda tuwing spring, dahil ang mga bundok at mga bukid ay namumukadkad.

  • Mag-aral tungkol sa kulturang Hapon. Ang spring ay isang magandang panahon para mag-aral tungkol sa kultura ng Hapon. Maraming museo at art gallery ang nag-aalok ng mga exhibit at kaganapan sa kulturang Hapon.

 

 Find Japanese Food Products on Amazon

Spring in Japan 2023Isang torii na may mga bulaklak at halamang sumisibol tuwing spring

Ang spring ay panahon din para sa masasarap na pagkain. Narito ang ilan sa mga seasonal na pagkain at minatamis na matitikman sa panahon ng spring sa Japan:

  • Sakura mochi (桜餅): Ang Sakura mochi ay isang uri ng rice cake na may matamis na red bean paste sa loob at pagkatapos ay ibinalot sa isang binurong dahon ng cherry blossom. Ito ay isang sikat na pagkain tuwing spring na madalas tangkilikin sa panahon ng hanami (cherry blossom viewing).

  • Hanami dango (花見団子): Ang Hanami dango ay isang uri ng matamis na dumpling na kadalasang kinakain tuwing hanami. Karaniwang ginagawa ang mga ito gamit ang tatlong magkakaibang kulay na dumplings, na kumakatawan sa mga kulay ng cherry blossom.

  • Takenoko (竹の子): Ang Takenoko o labong ay mga usbong ng kawayan na napapanahon tuwing spring sa Japan. Madalas itong kinakain na pinirito o inilalahog sa sabaw.

  • Nanohana (菜の花): Ang Nanohana ay mga bulaklak ng canola na napapanahon tuwing spring sa Japan. Madalas itong kinakain na pinirito o isinasabaw.

  • Hatsugatsuo (初がつお): Ang Hatsugatsuo ay ang tawag sa migratoryong isda na tinatawag na bonito, na nahuhuli tuwing spring. Madalas itong ihain nang hilaw o inihaw.

  • Asari (浅蜊): Ang Asari ay maliliit na kabibe na napapanahon tuwing spring sa Japan. Ito ay madalas na kinakain na steamed o isinasabaw.

  • Chirashizushi (ちらし寿司): Ang Chirashizushi ay isang uri ng sushi na ginagawa gamit ang iba't ibang sangkap, kabilang ang kanin, gulay, pagkaing-dagat, at kung minsan ay prutas. Ito ay isang sikat na ulam tuwing spring na kadalasang kinakain sa mga piknik.

  • Strawberries (イチゴ): Ang mga strawberries ay isang sikat na prutas na napapanahon tuwing spring. Madalas itong kinakain ng sariwa, ginagawang jam, o ginagamit sa mga dessert.

 Find Japanese Food Products on Amazon

Spring in Japan 2023Hanami dango

Ang spring ay panahon ng bagong simula, at sa dami ng magagandang bagay na makikita at mga kawili-wiling aktibidad na puwedeng gawin, ang paggugol ng isang napakagandang panahon ng spring ay tiyak na sigurado.

 Find Japanese Food Products on Amazon

Spring in Japan 2023Inihaw na "Katsuo no Tataki" na may bawang

 

 Find Japanese Food Products on Amazon

 

 

300*250

 

Find Cheap Flight Tickets to any Destinations in Japan and the Philippines

 

 


Nipino.com is committed to providing you with accurate and genuine content. Let us know your opinion by clicking HERE.

led_allaci Led Allaci is a full stack web developer who used to work for different companies to build and promote their brands online. Currently, he works as a freelancer working on different projects, including but not limited to the maintenance of this site. He likes traveling, writing, meeting new friends, and drinking Chūhai (チューハイ). Check out his work on your browser @ www.derusan.com