Pagkatapos ng isang taon na may Coronavirus

Isang taon na ang lumipas mula nang magpatupad ng curfew ang Maynila, ang kabisera at pangunahing lungsod ng Pilipinas

Mar 15, 2021 - 15:58
Jan 2, 2024 - 18:44
 0
Pagkatapos ng isang taon na may Coronavirus
Graph ng 1 taon ng impeksyon sa coronavirus

Ang Pilipinas ay nahaharap sa panibagong pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 pagkatapos ng isang taon na ipinatupad ng mga awtoridad ang mahigpit na lockdown

 

※ Read this article in English.

※ この記事を日本語で読む。

Isang taon na ang lumipas mula nang magpataw ang Maynila, ang kabisera at punong lungsod ng Pilipinas ng curfew para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 noong Mayo 15 nang nakaraang taon. Sa kabila ng pagsisikap ng gobyerno, ang bansa ay labis na naapektuhan ng virus at nananatiling pangalawa sa pinakamataas na rate ng impeksyon sa Southeast Asia. Dahil dito, ang GDP (Gross Domestic Product) growth rate para sa nakaraang taon ay ang pinakamasama sa mga bansa sa Southeast Asia, na nagbibigay ng mas maraming hamon para sa kasalukuyang administrasyon.

 Find Filipino Clothing on Amazon

A checkpoint enforced by the PNP Police Regional Office 3, commons.wikimedia.orgIsang checkpoint na ipinatutupad ng PNP Police Regional Office 3, commons.wikimedia.org

Inumpisahan ng administrasyon ni Pangulong Duterte ng Pilipinas ang mga hakbang sa pag-iwas laban sa pagkalat ng bagong coronavirus, kabilang ang mga paghihigpit sa mga aktibidad sa negosyo, at isang pangkalahatang kautusan para sa mga mamamayan na manatili-sa-bahay sa mga pangunahing lungsod sa paligid ng Metro Manila. Ang bilang ng mga bagong impeksyon na nakumpirma araw-araw sa buong bansa ay tumaas mula noong katapusan ng nakaraang buwan, na may bilang ng mga impeksyon na lumampas sa 4,500 sa loob lamang ng tatlong araw hanggang sa ika-14 ng buwang ito. Sa kabila ng mga paghihigpit at pag-lockdown, ang mga opisyal ng kalusugan sa bansa ay nahihirapan pa rin na pigilan ang pandemya.

 Find Filipino Clothing on Amazon

President Duterte updates the nation in Davao City, commons.wikimedia.org by Joey DalumpinesIna-update ni Pangulong Duterte ang buong bansa sa Davao City, commons.wikimedia.org by Joey Dalumpines

 

airalo-image

Airalo is the world’s first eSIM store that solves the pain of high roaming bills by giving travelers access to digital SIM cards.

Tinukoy ng mga eksperto mula sa World Health Organization (WHO) at iba pang organisasyon na ito ay dahil sa hindi pagsunod ng mga Pilipino sa health safety protocols, malaking bilang ng mga taong naninirahan sa iisang bahay, at hindi sapat na cluster control ng health authorities. Ang patuloy na paghihigpit sa mga aktibidad ng negosyo sa Maynila na sentro ng ekonomiya ng Pilipinas, ay nagpapahina sa ekonomiya at nagpahinto sa paglago ng ekonomiya ng bansa bago ang pandemya. Ang pagbaba ng rate ng paglago ng GDP ng bansa para sa nakaraang taon ay -9.5%, ang pinakamalaking pagbaba mula noong 1946, nang unang nakolekta ang mga istatistika, at ang pinakamasama sa mga pangunahing bansa sa Timog-silangang Asya.

 Find Filipino Clothing on Amazon

Mga paghihigpit sa mga negosyo, commons.wikimedia.org donated by Judge Florentino FloroMga paghihigpit sa mga negosyo, commons.wikimedia.org donated by Judge Florentino Floro

Ang administrasyong Duterte ay nahaharap sa mala-bundok na hamon patungkol sa mga hakbang laban sa bagong coronavirus, at ang epekto nito sa ekonomiya ng bansa.

 

300*250

 

Find Cheap Flight Tickets to any Destinations in Japan and the Philippines

 

 


Nipino.com is committed to providing you with accurate and genuine content. Let us know your opinion by clicking HERE.

Del Icalla Del Icalla is a full stack web developer who used to work for different companies to build and promote their brands online. Currently, he works as a freelancer working on different projects, including but not limited to the maintenance of this site. He likes traveling, writing, meeting new friends, and drinking Chūhai (チューハイ). Check out his work on your browser @ www.derusan.com