"Osechi": Ang Pangkusinang Selebrasyon sa Tradisyong Hapon

Ang Pangkusinang Selebrasyon sa Tradisyong Hapon tuwing Bagong Taon na nag-ugat sa simbolismo at kasaysayan. Pinagsasaluhan ng mga pamilya ang Osechi para sa pagdiriwang ng kasaganaan at mahabang buhay.

Jan 2, 2024 - 22:37
Jan 6, 2024 - 09:52
 0
"Osechi": Ang Pangkusinang Selebrasyon sa Tradisyong Hapon

 

"Tradisyunal na Pagkaing Hapon tuwing Bagong Taon"

Ang Japan ay isang bansang mayaman sa tradisyon at kultura na sumasalubong sa Bagong Taon na may kakaibang tradisyon sa pagkain na kilala bilang "Osechi." Ang nakasanayan ng kaugaliang ito sa mahabang panahon ay binubuo ng paghahanda at pagkonsumo ng mga espesyal na pagkain para sa Bagong Taon na sumasagisag sa magandang kapalaran, kasaganaan, at mahabang buhay.

 

osechi-a-culinary-celebration-of-japanese-tradition-02Ang Kazunoko (Herring Roe) ay sumisimbolo sa pagkamayabong at kasaganaan

Ang Pinagmulan ng Osechi

Nagsimula ang Osechi sa panahon ng Heian (794-1185), kung saan ang pag-iimbak at pag-preserba ng pagkain para sa Bagong Taon ay naging praktikal na pangangailangan dahil sa pagsasara ng mga negosyo at pamilihan sa panahon ng bakasyon. Sa paglipas ng panahon, ito ay naging isang simbolikong tradisyon na may maingat na pagpili sa mga pagkain na kumakatawan sa iba't ibang kaaya-ayang kahulugan.

 

osechi-a-culinary-celebration-of-japanese-tradition-03Ang Black Soybeans sa "Osechi" ay kumakatawan sa kalusugan at pagsusumikap

Mga Simbolikong Pagkain at Ang Mga Kahulugan Nito:

  1. Kazunoko (Herring Roe): Sumasagisag sa pagkamayabong at isang maunlad na pamilya, ang kazunoko ay isang pangkaraniwang sangkap ng Osechi.
  2. Kuromame (Black Soybeans): Kumakatawan sa kalusugan at pagsusumikap, ang kuromame ay isang staple sa mga pagkaing Osechi.
  3. Ebi (Hipon): Ang kurbadong hugis ng mga hipon ay sumisimbolo ng mahabang buhay, na ginagawa itong isang popular na pagpipilian para sa pinggan ng Osechi.
  4. Datemaki (Minatamis na Rolled Omelet): Sa patong-patong na hitsura nito, ang datemaki ay nangangahuluga ng paglaki at pag-unlad sa iba't ibang aspeto ng buhay.
  5. Kuri Kinton (Minatamis na Kastanyas na may Kamote): Ang pagkaing ito ay kumakatawan sa kayamanan at kasaganaan, dahil ang ginintuang kulay nito ay sumasalamin sa ginto.
  6. Tazukuri (Pinatuyong Sardinas): Nagpapahiwatig ng masaganang ani, binibigyang-pugay ng tazukuri ang kahalagahan ng agrikultura sa kultura ng Hapon.
  7. Tai (Sea Bream): Kadalasang inihahain nang buo, ang tai ay kumakatawan sa pagdiriwang at suwerte para sa darating na taon.

 

osechi-a-culinary-celebration-of-japanese-tradition-04Ang mga hipon ay sumisimbolo ng mahabang buhay dahil sa kanilang kurbadong hugis

Ang Sining ng Presentasyon

Ang Osechi ay hindi lamang tungkol sa simbolikong kahalagahan ng mga sangkap nito kundi pati na rin sa maselang presentasyon. Ang mga espesyal na pagkaing ito ay nakaayos sa mga layered lacquer box na tinatawag na "jūbako," na ang bawat layer ay may laman na iba't ibang uri ng pagkain. Ang makulay at kumplekadong pattern ng Osechi ay isang kalugod-lugod para sa mga mata, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng kariktan sa kulturang Hapon.

 

osechi-a-culinary-celebration-of-japanese-tradition-05Datemaki, tazukuri at kobumaki. Credit: Raita Futo

Tradisyonal na Paghahanda at Pagsasama-sama ng Pamilya

Ang paghahanda ng Osechi ay matrabahong proseso na kadalasang tumatagal ng ilang araw. Ang mga pamilya ay nagsasama-sama upang magluto at mag-ayos ng mga pagkain, na dahilan upang maipasa ang mga recipe at pamamaraan sa mga henerasyon. Ang sama-samang pagsisikap na ito ay nagpapatibay sa mga buklod ng pamilya at tinitiyak ang pagpapatuloy sa itinatanging tradisyong ito.

 

osechi-a-culinary-celebration-of-japanese-tradition-06Dahil sa ginintuang kulay, ang Kuri Kinton ay kumakatawan sa kayamanan at kasaganaan

Osechi at Mga Modernong Pagdiriwang

Bagamat ang Osechi ay nananatiling malalim na nakaugat sa tradisyon, may mga modernong pagkakaiba ang nagaganap upang matugunan ang nagbabagong panlasa at pamumuhay. May mga pamilya ang pinipili na lamang na bumili ng gawa ng Osechi sa mga tindahan, upang sa ganun ay makibahagi sila sa tradisyon nang hindi kinakailangan ng matrabahong paghahanda.

 

osechi-a-culinary-celebration-of-japanese-tradition-08Karaniwang inihahain nang buo, ang sea bream ay kumakatawan sa pagdiriwang at suwerte para sa darating na taon. Credit: Liz

Ang Osechi ay hindi lamang isang pagkain; ito ay repleksyon ng mayamang kultura ng Japan, kung saan ang simbolismo at tradisyon ay umuugnay sa sining ng pagluluto. Habang ang mga pamilya sa buong Japan ay nagsasama-sama upang salubungin ang Bagong Taon sa mga simbolikong pagkaing ito, ang Osechi ay kumakatawan bilang isang testamento sa kahalagahan ng pamana at pagdiriwang sa pagpapala ng buhay.

 

osechi-a-culinary-celebration-of-japanese-tradition-09Osechi, tradisyonal na pagkaing Hapon sa Bagong Taon. Credit: nAok0

 

300*250

Find Cheap Flight Tickets to any Destinations in Japan and the Philippines

Nipino.com is committed to providing you with accurate and genuine content. Let us know your opinion by clicking HERE.

Del Icalla Del Icalla is a full stack web developer who used to work for different companies to build and promote their brands online. Currently, he works as a freelancer working on different projects, including but not limited to the maintenance of this site. He likes traveling, writing, meeting new friends, and drinking Chūhai (チューハイ). Check out his work on your browser @ www.derusan.com