Karaoke sa Japan kumpara sa Pilipinas

Humanda na para sa nakakaaliw na pagtuklas sa dalawang mundo ng karaoke.

Jan 6, 2024 - 10:32
Jan 7, 2024 - 16:43
 0
Karaoke sa Japan kumpara sa Pilipinas

 

"Mic Check, 1-2-3!"

Karaoke – ang unibersal na wika ng mga amateur na mang-aawit at mga taong mahiyain sa entablado. Pero pagdating sa pagkanta ng mga himig, ang Japan at Pilipinas ay may kanya-kanyang sariling eksena sa mundo ng karaoke.

 

karaoke-in-japan-vs-the-philippines-02Ang karaoke ay ang unibersal na wika ng mga amateur at mga taong mahiyain sa entablado

Mga High-Tech Karaoke Box ng Japan

Sa Japan, ang karaoke ay hindi lamang basta-basta; isa itong high-tech na extravaganza. Ang Karaoke Box – isang pribadong silid na may console na mapapahiya kahit ang isang spaceship. Makakakita ka ng isang nakakahilong hanay ng mga pagpipiliang kanta, mula sa J-pop hanggang sa mga internasyonal na hit, lahat ay naa-access sa isang pindutan. At hindi lang yon, mayroon ding mga epekto sa pagpapahusay ng boses; tapos bigla-bigla, maririnig ang may hawak ng mic na parang isang opera diva o pop sensation artist. Sa loob ng Karaoke Box, para kang nasa sarili mong concert sa isang soundproof na spaceship, pwera syempre ang mga nagsisigawang mga fans.

 

karaoke-in-japan-vs-the-philippines-03Ang mga karaoke box sa Japan ay may mga modernong kagamitan para pahusayin ang karanasan sa pagkanta

Samantala sa Pilipinas: Ang Videoke Capital sa Buong Mundo

Sa Pilipinas, ang karaoke ay parang gawaing pangkomunidad. Ipasok ang videoke machine – isang pangunahing kagamitan sa bawat Pilipinong kabahayan, sa sulok ng tindahan, at kahit tricycle (oo, sa tricycle!). Kalimutan ang tungkol sa mga pribadong silid; ito ay tungkol sa pag-awit ng buong-puso na walang hiya-hiya. Ang tunay na hamon? Ang pagpili sa isang kantang maaaring sang-ayunan ng nakararami. Asahan ang masigasig na pagkanta ng power ballads, classic OPM (Original Pilipino Music), at ang paminsan-minsang off-key o birit-fail novelty tune. Ito ay hindi lamang tungkol sa pagkanta; ito ay tungkol sa paglikha ng sabay-sabay na tawanan, pakikipagkaibigan, at paminsan-minsang pagtatalong-kaibigan sa mga pagpipiliang kanta.

 

karaoke-in-japan-vs-the-philippines-04Ang videoke machine ay karaniwan sa bawat sambahayang Pilipino

Sa Japan: Labanan ng Playlist

Sa Japan, ang pagpili ng kanta ay isang seryosong bagay. Sa isang malawak na pagpipilian na sumasaklaw sa lahat mula sa J-pop hanggang sa classic rock, meron ding K-pop, anime song at Enka (tradisyunal na musikang Hapon), maaaring minsan ay mangailangan ng tulong sa pagpili ng kanta. At kapag sa wakas ay ikaw na, ang pressure ay para mapabilib ang mga nakikinig sa iyong galing sa pagpili ng kanta, hindi sa galing ng iyong boses. Ang debateng maaaring mangyari sa loob ng isip ay: dapat bang emosyonal na ballad o ang catchy pop song?

 

karaoke-in-japan-vs-the-philippines-05Sa dami ng pagpipilian, ang pagpili sa kakantahin ay maaaring minsan ay mas mahirap pa kaysa sa pagkanta

Sa Pilipinas: Ballad, Birit, at Beyoncé

Mayroong isang espesyal na lugar sa puso ng mga Pilipino ang pag-awit ng mga soulful ballad na may abot-langit na birit. Ang hamon ay hindi nakasalalay sa bilang ng mga pagpipilian sa kanta ngunit sa mga kanta na may matataas na nota. Ang iba ay maaaring magulat, ngunit para sa mga Pilipino, tanggap nila ang kahihinatnan ng kanilang lakas ng loob sa pagsisikap na abutin ang mataas na nota; ang malakas na palakpakan ng mga humahangang nanonood o ang tahol ng aso ng kapitbahay.

 

karaoke-in-japan-vs-the-philippines-06Ang mga Pilipino ay mahilig kumanta ng mga ballad na may mataas na vocal

Sa Japan: Ang Tahimik na Symphony

Isipin ito: isang grupo ng mga magkakaibigan sa isang madilim na silid, bawat isa ay abala sa kanilang sariling musikal na mundo. Ang karaoke sa Japan ay isang tahimik na symphony ng mga naka-synchronize na ulong patango-tango, paminsan-minsang pagsabay sa kanta sa pamamagitan ng pagpalakpak at banayad na pag-pagpadyak ng mga paa. Pakikihalubilo? Nangyayari iyon sa pagitan ng mga kanta, na may maikling pagpapalitan ng pag-apruba ng mga tango o pagtaas ng mga kilay ng mga napabilib. Ito ay isang mapayapa, halos mapagnilay-nilay na karanasan kung saan ang bawat isa ay naghihintay sa susunod na hahawak ng mikropono.

 

karaoke-in-japan-vs-the-philippines-07Ang karaoke sa Japan ay isang tahimik na symphony ng sabaysabay na pagtango ng ulo, na may paminsan-minsang pagpalakpak at banayad na pagtapak ng mga paa.

Sa Pilipinas: Ang Pakikiawit na Panoorin

Sa Pilipinas, ang karaoke ay isang maingay na aktibidad ng isang grupo. Ito ay hindi lamang tungkol sa pagkanta; ito ay tungkol sa paglikha ng isang hindi malilimutang kaganapan. Isipin ang isang magulong grupo na nagpapalit-palit sa mikropono, kasama ang mga kaibigan na masigasig na nagbibigay ng mga backup na vocal, dance moves, at paminsan-minsang pagtambol sa lamesa. Isa itong buhay na buhay na panoorin kung saan mas marami, mas masaya – at mas malakas, mas maganda.

 

karaoke-in-japan-vs-the-philippines-08Ang karaoke sa Pilipinas ay isang masiglang grupong aktibidad

Kaya, kung mas gusto mo ang mga high-tech na karaoke box ng Japan o ang masiglang videoke session ng Pilipinas, isang bagay ang malinaw – ang karaoke ay isang unibersal na wika na pinagsasama-sama ang mga tao. Ito ay isang pagkakataon upang pakawalan, magsaya, at ilabas ang iyong pagka-diva o pagka-rockstar. Kaya kunin na ang mikropono, painitin na ang mga vocal cord, at maghanda na para sa isang masayang-maingay na showdown sa mundo ng karaoke. Simulan na ang kantahan!

 

karaoke-in-japan-vs-the-philippines-09Mula sa mga karaoke box na may mahusay na kagamitan sa Japan hanggang sa masiglang mga karaoke session sa Pilipinas, ang parehong mga bansa ay may sariling natatanging karanasan sa mundo ng karaoke

 

300*250

Find Cheap Flight Tickets to any Destinations in Japan and the Philippines

Nipino.com is committed to providing you with accurate and genuine content. Let us know your opinion by clicking HERE.

Del Icalla Del Icalla is a full stack web developer who used to work for different companies to build and promote their brands online. Currently, he works as a freelancer working on different projects, including but not limited to the maintenance of this site. He likes traveling, writing, meeting new friends, and drinking Chūhai (チューハイ). Check out his work on your browser @ www.derusan.com