Isla ng Boracay: Ang Tropikal na Paraiso na Handang Sumalubong sa mga Adventurer
Ang Boracay Island ay isa sa pinakasikat na destinasyon ng mga turista sa Pilipinas.
Ang kagandahan ng Isla ng Boracay ay napanatili habang binabalanse ang pagpapa-unlad ng mga tanawing pang-turista at pagsisikap na pangalagaan ang mga ito.
※ Read this article in English.
Ang Boracay Island ay isa sa pinakasikat na destinasyon ng mga turista sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa Western Visayas region na umaakit sa mga manlalakbay mula sa buong mundo dahil sa malinis nitong mga beach, makulay na buhay dagat at kaakit-akit na mga atraksyon sa bawat sulok ng isla.
Find Filipino Clothing on Amazon
Banka sa White beach.
Ang isla ay isinara sa publiko sa loob ng anim na buwan para sa rehabilitasyon noong 2018 dahil sa mga alalahanin tungkol sa pagkasira ng kapaligiran at pagsisikip sa isla. Mula nang muling buksan ang isla noong Oktubre ng parehong taon, ang sitwasyon sa kapaligiran ng isla ay lubos na bumuti. Kasama sa mga proyektong pang-rehabilitasyon ay ang muling pagtatayo ng bagong sewage treatment plant, pag-install ng wastong sistema ng pamamahala ng basura, at pagpapatupad ng mahigpit na mga batas sa kapaligiran.
Find Filipino Clothing on Amazon
Ang mga lokal at banyagang turista ay nage-enjoy sa ubod na malinis na tubig sa beach.
Ngayon, ang Boracay ay naging isang mas sustainable at eco-friendly na destinasyon, na magiging dahilan upang maging perpektong destinasyon para sa mga gustong maranasan ang natural na kagandahan ng Pilipinas nang hindi makaka-ambag sa pagkasira ng kapaligiran. Ang kahabaan ng white sand beach sa isla ay isang kanlungan para sa mga may gusto ng sikat ng araw at mahilig sa water sports. Ang dagat ay napakalinaw at perpekto para sa mga aktibidad sa tubig tulad ng paglangoy, snorkeling at pagsisid.
Find Filipino Clothing on Amazon
White sand beach, Boracay Island by Alexey Komarov.
Ang pinakasikat na beach sa isla ay ang White Beach. Ang 4 na kilometrong kahabaan ng pinung-pinong puting buhangin ay may mga nakalinyang restaurant, bar at resort. Bagama't ito ang pinaka-abalang beach sa isla, napapanatili pa rin nito ang natural na kagandahan ng kapaligiran at siguradong mamamangha ang mga turista sa napakagandang tanawin ng paglubog ng araw na abot-tanaw.
Find Filipino Clothing on Amazon
Apat na kilometrong kahabaan ng pinung-pino na puting buhangin sa Boracay Island ni Jhun Sacapano.
Ang isa pang beach na sulit bisitahin ay ang Puka Beach sa hilagang dulo ng isla. Ito ay isang liblib na beach kumpara sa White Beach, kaya ito ay perpekto para sa mga gustong lumayo sa crowd. Nakuha ang pangalan ng beach na ito mula sa mga puka shell na matatagpuang masagana sa baybayin nito.
Find Filipino Clothing on Amazon
Puka Beach sa Boracay Island ni Paolobon140.
Ang Boracay ay may malawak na hanay ng mga aktibidad bukod sa mga beach. Ang mga water sports ay rekomendadong maranasan sa islang ito. Madali lang ang pagpapa-reserve sa abot-kayang halaga sa mga aktibidad tulad ng parasailing, jet skiing, at banana boat. Maaari ka ring mag-island hopping upang tuklasin ang mga kalapit na isla, o mag-snorkel at mag-dive para makita ang makulay na buhay dagat.
Find Filipino Clothing on Amazon
Ang kitesurfing sa Boracay ay isang siguradong sikat na aktibidad para sa mga adventurer.
Para sa mga naghahanap ng mas nakakarelaks na karanasan, sulit na tuklasin ang mga inland na atraksyon ng Boracay. Ang isla ay lugar kung saan matatagpuan ang Mount Luho viewpoint, ang pinakamataas na lugar sa isla kung saan maaaring makita ng malawakan ang isla. Dapat ding bisitahin ang Boracay Butterfly Garden. Dito ay maaaring maobserbahan ang iba't ibang klase ng paru-paro at malaman ang tungkol buhay ng mga ito.
Find Filipino Clothing on Amazon
Panoramic view ng Boracay ni Alexey Komarov.
Tatangkilikin din ng mga mahilig sa pagkain ang lokal na lutuin ng isla, kabilang ang sariwang seafood, Filipino at internasyonal na lutuin. Maaaring pumili ang mga bisita mula sa isang malawak na hanay ng mga pagpipiliang pagkain, mula sa abot-kayang pagkaing kalye hanggang sa mga fine dining restaurant na nag-aalok ng masarap na karanasan sa kainan.
Find Filipino Clothing on Amazon
Sariwang seafood sa Boracay.
Ang Boracay ay isang napakagandang destinasyon na dapat ay nasa listahan ng bawat manlalakbay. Mula sa malinis na mga beach, malinaw na tubig at makulay na nightlife, mayroong isang bagay para sa lahat. Ang mga pagsisikap sa pagpapanumbalik ng isla ay magiging dahilan upang maging mas kaakit-akit na destinasyon, na magbibigay-daan sa mga bisita na maranasan ang natural na kagandahan ng Pilipinas at maging maingat sa kapaligiran.
Find Filipino Clothing on Amazon
Imahe ng paglubog ng araw sa Boracay.
Find Cheap Flight Tickets to any Destinations in Japan and the Philippines
Nipino.com is committed to providing you with accurate and genuine content. Let us know your opinion by clicking HERE.