Isang Maaliwalas at Makulay na Taglagas
Ang mga araw ay naging mas maikli at ang mga gabi ay naging mas malamig.
Isa na namang exciting na taglagas
※ Read this article in English.
Ang mga araw ay naging mas maikli at ang mga gabi ay naging mas malamig. Ito ang panahon kung kailan ang mga berde ay nagiging dilaw, kayumanggi, at pula. Ang tinutukoy ay ang mga dahon ng taglagas na may matingkad na kulay na ginagawang mas kasiya-siyang tingnan ang kalikasan na tinatawag na "koyo" (紅葉) sa Japan.
Find Japanese Goodies on Amazon
Koyo (紅葉)
Dumating na ang taglagas, at sa Japan, kilala ito hindi lamang sa mga magagandang tanawin sa panahong ito kundi pati na rin sa mga pagdiriwang at masasarap na pagkain sa buong bansa na maaari lamang maranasan sa panahong ito. Halimbawa, ang Otsukimi (お月見) ay tumutukoy sa tradisyon ng mga Hapon sa paggalang sa buwan ng taglagas. Ito ay literal na nangangahulugang pagtingin sa buwan, kaya sa ilang bahagi ng Japan, hindi nakakagulat na makita ang mga lokal na residente na nagtitipon kasama ang kanilang tradisyonal na pagkain sa taglagas tulad ng kamote (サツマイモ) at "tsukimi dango" (団子) - isang tradisyonal na pagkaing Hapon na gawa sa malagkit na bigas na kinakain habang nakatitig sa buwan. Dahil ang palay at iba pang pananim na ugat ay inaani sa panahong ito, ang mga ito ay inihahain din bilang alay sa mga bathala para sa magandang ani.
Find Japanese Goodies on Amazon
Tsukimi dango and chestnuts.
Ang mga kastanyas, ubas, peras at iba panahong prutas ay naka-display na ngayon sa mga supermarket. Habang ang “oden” (おでん), isang pinainit na pagkaing may iba't-ibang sangkap na binabad at niluluto sa may lasang sabaw na halos palaging matatagpuan malapit sa rehistro, ay inaalok na sa bawat convenience store.
Find Japanese Goodies on Amazon
Oden on sale at a convenience store. Considered to be comfort food by most Japanese during the cold season.
Sa Japan, ang taglagas ay hindi lamang isang panahon, ito ay isang kultura. Napakaraming aktibidad ang maaaring gawin sa panahong ito ng taon na sa pagkakataong ito ay magiging masaya at kawili-wili.
Find Japanese Goodies on Amazon
A momiji (もみじ) from a Japanese maple tree.
Find Cheap Flight Tickets to any Destinations in Japan and the Philippines
Nipino.com is committed to providing you with accurate and genuine content. Let us know your opinion by clicking HERE.