Ang Singil sa mga Plastic Bag sa Japan Upang Mabawasan ang mga Basurang Mula sa Plastik

Nabawasan ang mga basurang plastik dahil mas maraming tao ang nagdadala ng sarili nilang shopping bag sa mga tindahan

Jul 1, 2020 - 19:21
Jan 2, 2024 - 18:43
 0
Ang Singil sa mga Plastic Bag sa Japan Upang Mabawasan ang mga Basurang Mula sa Plastik

Magdala ng sariling shopping bag - isang bagong paraan upang mabawasan ang mga basurang plastik sa Japan.

 

※ Read this article in English.

※ この記事を日本語で読む。

Nabawasan ang mga basurang plastik dahil mas maraming tao ang nagdadala ng sarili nilang shopping bag sa mga tindahan. Ang pagpapatupad ng isang sistema na paniningil sa mga mamimili para sa mga plastic shopping bag ay nagresulta ng pagkabawas sa mga basurang plastik. Sa Japan, nakasanayan na ng mga mamimili na mabigyan ng libreng plastic bag kapag bumibili sa mga convenience store at supermarket.

 Find Japanese Goodies on Amazon

pollution caused by burning plastic wasteAng mga mamimili ay nagdadala na ng sarili nilang shopping bag sa ngayon

Ngunit habang lumalala ang global warming at iba pang problema sa kapaligiran dahil sa pagdami ng basura mula sa mga produktong plastik na hindi nabubulok ay lumawak ang kamalayan ng mga mamimiling Hapon na dapat nilang isaalang-alang ang pagbabawas sa paggamit ng mga disposable plastic bag.

 Find Japanese Goodies on Amazon

pollution caused by burning plastic wasteSource: pixabay.com

airalo-image

Airalo is the world’s first eSIM store that solves the pain of high roaming bills by giving travelers access to digital SIM cards.

Noong Hunyo nang nakaraang taon, ang National Diet ay nagpatupad ng panukalang batas upang obligahin ang mga nag-nenegosyo na bawasan ang kanilang paggamit ng mga disposable plastic at isulong ang pag-recycle ng mga produktong plastik sa pamamagitan ng pagsingil sa mga customer para sa mga disposable plastic bag. Nabanggit din ng gobyerno na magsusulong ito ng alternatibong paggamit ng mga itinapong plastic bag sa pamamagitan ng pagre-recycle nito sa iba pang produkto tulad ng mga materyales sa gusali o damit.

 Find Japanese Goodies on Amazon

inside Japanese Diet burning plastic wasteSource: Inside Japanese Diet by Chris73

Nagkabisa ang batas noong Abril ng taong ito, at karamihan sa mga pangunahing department store, convenience store at supermarket ay nagsimulang maningil sa mga customer para sa mga plastic bag depende sa laki ng mga ito.

 Find Japanese Goodies on Amazon

At Gyomu Super FukaebashiNaging matagumpay ang paniningil sa plastic bag. Sa unang 6 na buwan ng pagpapatupad nito, ang basura mula sa mga plastic bag ay nabawasan ng 83%. Tinatantiya ngayon na humigit-kumulang 500 milyong mas kaunting mga bag ang magagamit bawat taon. Ang isang batas na tulad nito ay dapat tularang ipatupad sa Pilipinas upang mabawasan ang carbon footprint ng bansa at palawakin ang kamalayan ng mga Filipino tungkol sa kahalagahan ng recycling at global warming. Ikaw? Nasasanay ka na bang magdala ng sarili mong shopping bag kapag namimili ka?

 Find Japanese Goodies on Amazon

A shopper with a plastic shopping bagA shopper with a plastic shopping bag.

 

300*250

 

Find Cheap Flight Tickets to any Destinations in Japan and the Philippines

 

 


Nipino.com is committed to providing you with accurate and genuine content. Let us know your opinion by clicking HERE.

Del Icalla Del Icalla is a full stack web developer who used to work for different companies to build and promote their brands online. Currently, he works as a freelancer working on different projects, including but not limited to the maintenance of this site. He likes traveling, writing, meeting new friends, and drinking Chūhai (チューハイ). Check out his work on your browser @ www.derusan.com